Tuesday, September 11, 2018

A Simple Celebration for a Special Servant: Sr. Leonila's 35th Anniversary in the Religious Profession

This year, as the Catholic Church in the Philippines celebrates the Year of the Clergy and Consecrated Persons, Colegio de Santa Ana gave a surprise for the Head of Center for Christian Formation, Sr. Leonila B. Guerra, fma, in celebration of her 35th Anniversary in the Religious Profession. She had her First Profession on March 25, 1983. 


Part one of the celebration was a simple blessing after the First Friday Mass (Sept. 7) followed by giving of flowers. Part two, held on September 10, was a simple gathering with special messages from Sir Gener Espino and Mrs. Lennie A. Montevirgen, a song number led by Mr. Robbie Gatpayat, Mr. Bernard Nasayao, and Ms. Clarence Jongaya with the whole CDSA community, giving of gifts, and a video presentation while food is distributed. 

Sr. Leonila is a member of the congregation of the Daughters of Mary Help of Christians (Figlie di Maria Ausiliatrice) or the Salesian Sisters of St. John Bosco. She joined Colegio de Santa Ana in 2016.

Your CDSA family loves you Sr. Leonila! May God bless you with more years to serve Him and His people. 








Photo Credits: Mr. Marvin Jimenez, Mr. Gener Espino, Mrs. Lennie A. Montevirgen

CDSA, nag-uwi ng Ikatlong Gantimpala sa "Walk For Peace With Mary" Poster-Making Contest

Mula kaliwa:  Ingrid Villareal, Kayla Oruga,
Nica Mariden Topinio, Alyssa Faye Loquias, Lorelai Petalver,
Sir Jimmy Uy, Sir Joven Manaloto (nakaupo)
Taunang ginaganap sa Diyosesis ng Pasig ang "Walk for Peace With Mary" tuwing buwan ng Setyembre, buwan ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria. Layunin ng taunang pagtitipon na ito ang pagbuklurin ang mga laykong-lingkod at mananampalataya sa mga parokyang nasa ilalim ng Diyosesis ng Pasig, pagpupugay at debosyon sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng pag-aalay lakad, at pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan. Ngayong taong ito, ginanap ang Walk for Peace sa mismong araw ng kapanganakan ni Maria, ika-8 ng Setyembre. Nagtipon-tipon ang mga delegasyon ng bawat parokya at mga paaralan sa Our Lady of the Holy Rosary Parish sa Bicutan. Matapos ang isang misa sa pangunguna ni Rev. Fr. Orlando B. Cantillon, naglakad ang mga dumalo papuntang Sto. NiƱo Parish sa Signal Village, Taguig City.

Iba't ibang tampok na gawain ang nilahukan ng mga dumalo. Sumali ang mga mag-aaral ng Colegio de Santa Ana sa on-the-spot poster-making contest na may temang "Si Maria: Huwaran ng Kaparian at mga Kinonsagrang Mga Tao" kung saan sila ay nag-uwi ng Ikatlong Gantimpala. Ang mga kabataang nagbigay karangalan sa ating paaralan at parokya ay sina Ingrid Villareal, Kayla Oruga, Nica Mariden Topinio, Alyssa Faye Loquias, at Lorelai Petalver. Naging gabay nila ang mga gurong sina Sir Jimmy Uy at Sir Joven Manaloto. 

Nawa ang ating mga mag-aaral ay gawing halimbawa ang pagiging masunurin ng ating Mahal na Ina at gawin siyang inspirasyon sa kanilang pang araw-araw na mga gawain. Ikinalulugod namin ang inyong tagumpay!






Mga larawan mula kay Sir Jimmy Uy

Thursday, September 6, 2018

National Teachers' Month 2018 (Sept. 5 - Oct. 5)

September is a month-long celebration in honor of our dear teachers: the National Teachers' Month, officially started September 5 and culminates on October 5, which is the National (and the World) Teachers' Day. The celebration is pursuant to Presidential Proclamation No. 242 for the National Teachers' Month, and Republic Act No. 10743 for the National Teachers' Day (October 5 designated as World Teachers' Day by the UNESCO in 1994). The national celebration is carried out in cooperation with the National Teachers Day Coordinating Council (NTDCC) and the National Teachers Month Coordinating Council (NTMCC).


The celebration aims to:

1. honor those who are in the teaching profession;
2. acknowledge and give emphasis on the crucial role, loyal service, and dedicated commitment of teachers in developing globally-minded citizens, nurturing families, strengthening communities, and building the nation;
c. revitalize the image of and respect for teaching as a vocation by increasing public awareness on the value of teachers in the Philippine society;
d. take the occasion as an opportunity in building the image of teaching as an attractive and fulfilling profession;
e. generate widespread support and assistance for teachers; and
f. express gratitude for the positive influences of teachers on Filipino learners.

Have you thanked your teacher/s today? 



PRAYER FOR TEACHERS

Giver of all Wisdom and Greatest of all Teachers,
look upon our teachers with love.
Grant them the resolve to nurture our eager minds
and to never give up on us who fall behind.

Bless their hearts for they rejoice when we succeed
and encourage us when we fail.
Endow them with gentle patience
for the path of learning is never easy.

Kindle a spirit of passion in them.
It is the flame that ignites the love of learning in us.
Help them to see the potential in each student.
Their belief in us means much more than the grade we make.

Instill in them a commitment to keep on learning.
It shows us to not fear new knowledge and experiences.
Inspire them to touch the future.
They influence how big a dream we dream for ourselves.

Bless our teachers who have come before
for their work endures to this day.

Let the light of Your example shine upon all teachers.
To build up with their words.
To love with their mind.
To share with their heart. 

AMEN.



PANALANGIN PARA SA MGA GURO

Tagapagkaloob ng Lahat ng Kaalaman at Guro ng mga guro 
Bigyan po Ninyo ng pagkalinga ang aming mga guro 
Biyayaan Ninyo sila ng kahandaang linangin ang aming murang isipan 
At huwag magsawa kapag 'di makahabol ang turuan 

Pagpalain nawa ang kanilang mga pusong 
Nagdiriwang sa tuwing kami'y nagwawagi
At nag-aalo sa tuwing kami'y nadadaig 
Pagkalooban Ninyo sila ng mahinahong pagtitiyaga 
Sapagkat ang landas ng kaalaman ay hindi madali 

Pagningasin Ninyo sa kanila ang maapoy na diwang 
Nagpapaliyab sa kagustuhan naming matuto 
Tulungan Ninyo silang makita ang galing sa bawat mag-aaral 
Wala sa marka ang halaga kundi sa pananalig nila 

Ikintal Ninyo sa kanila ang walang pagkauhaw sa karunugan 
At bagong kaalaman at karanasam ay 'di dapat katakutan 
Turuan po Ninyo silang masiglang abutin ang alapaap 
Kasinsigla at kasintayog ng sarili naming pangarap 

Pagpalain po Ninyo ang mga gurong nauna sa amin 
Ang nagawa nila ay napapakinabangan pa rin 

Tanglawan po ng Inyong mabuting halimbawa ang kaguruan 
Upang makapagtayo sila sa pamamagitan ng kanilang pangungusap 
Upang makapagmahal sila sa pamamagitan ng kanilang isipan 
Upang makapagbahagi sila sa pamamagitan ng kanilang puso 

Siya nawa.

Saturday, September 1, 2018

Buwan ng Wikang Pambansa 2018: Filipino - Wika ng Saliksik

Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto ang Buwan ng Wikang Pambansa alinsunod sa Proklamasyon Bilang 1041 ng Pangulong Fidel V. Ramos taong 1991. Ngayong taon, sa pangunguna ng Komisyon ng Wikang Filipino, ang pagdiriwang ay may temang Filipino: Wika ng Saliksik.  Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika. 1


Ayon sa DepEd, hinihikayat ang lahat na makilahok sa mga gawaing may kaugnayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa bilang pagpapahalaga sa ating wika. 2

Bilang pakikiisa sa layuning ito ay ginanap noong ika-31 ng Agosto sa Colegio de Santa Ana ang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa pangunguna ng Panitik Club. Ang mga mag-aaral at guro ay nagsipag-gayak ng kasuotang Filipiniana. May kani-kaniyang programa at patimpalak ang bawat pangkat-baitang: Pagsasalaysay ng Maikling Kuwento (Kinder), Sayawit (Grade 1-3),  Tagisan ng Talino (Grade 4-6) at Sabayang Pagbigkas para sa Junior High School. Ang Senior High School naman ay nagkaroon ng pagsasaayos ng mga silid-aralan ayon sa probinsyang itinakda para sa kanilang seksyon. 



1  Komisyon ng Wikang Filipino
2  Kagawaran ng Edukasyon