Mula kaliwa: Ingrid Villareal, Kayla Oruga, Nica Mariden Topinio, Alyssa Faye Loquias, Lorelai Petalver, Sir Jimmy Uy, Sir Joven Manaloto (nakaupo) |
Taunang ginaganap sa Diyosesis ng Pasig ang "Walk for Peace With Mary" tuwing buwan ng Setyembre, buwan ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria. Layunin ng taunang pagtitipon na ito ang pagbuklurin ang mga laykong-lingkod at mananampalataya sa mga parokyang nasa ilalim ng Diyosesis ng Pasig, pagpupugay at debosyon sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng pag-aalay lakad, at pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan. Ngayong taong ito, ginanap ang Walk for Peace sa mismong araw ng kapanganakan ni Maria, ika-8 ng Setyembre. Nagtipon-tipon ang mga delegasyon ng bawat parokya at mga paaralan sa Our Lady of the Holy Rosary Parish sa Bicutan. Matapos ang isang misa sa pangunguna ni Rev. Fr. Orlando B. Cantillon, naglakad ang mga dumalo papuntang Sto. Niño Parish sa Signal Village, Taguig City.
Iba't ibang tampok na gawain ang nilahukan ng mga dumalo. Sumali ang mga mag-aaral ng Colegio de Santa Ana sa on-the-spot poster-making contest na may temang "Si Maria: Huwaran ng Kaparian at mga Kinonsagrang Mga Tao" kung saan sila ay nag-uwi ng Ikatlong Gantimpala. Ang mga kabataang nagbigay karangalan sa ating paaralan at parokya ay sina Ingrid Villareal, Kayla Oruga, Nica Mariden Topinio, Alyssa Faye Loquias, at Lorelai Petalver. Naging gabay nila ang mga gurong sina Sir Jimmy Uy at Sir Joven Manaloto.
Nawa ang ating mga mag-aaral ay gawing halimbawa ang pagiging masunurin ng ating Mahal na Ina at gawin siyang inspirasyon sa kanilang pang araw-araw na mga gawain. Ikinalulugod namin ang inyong tagumpay!
Mga larawan mula kay Sir Jimmy Uy
No comments:
Post a Comment