Saturday, September 1, 2018

Buwan ng Wikang Pambansa 2018: Filipino - Wika ng Saliksik

Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto ang Buwan ng Wikang Pambansa alinsunod sa Proklamasyon Bilang 1041 ng Pangulong Fidel V. Ramos taong 1991. Ngayong taon, sa pangunguna ng Komisyon ng Wikang Filipino, ang pagdiriwang ay may temang Filipino: Wika ng Saliksik.  Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika. 1


Ayon sa DepEd, hinihikayat ang lahat na makilahok sa mga gawaing may kaugnayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa bilang pagpapahalaga sa ating wika. 2

Bilang pakikiisa sa layuning ito ay ginanap noong ika-31 ng Agosto sa Colegio de Santa Ana ang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa pangunguna ng Panitik Club. Ang mga mag-aaral at guro ay nagsipag-gayak ng kasuotang Filipiniana. May kani-kaniyang programa at patimpalak ang bawat pangkat-baitang: Pagsasalaysay ng Maikling Kuwento (Kinder), Sayawit (Grade 1-3),  Tagisan ng Talino (Grade 4-6) at Sabayang Pagbigkas para sa Junior High School. Ang Senior High School naman ay nagkaroon ng pagsasaayos ng mga silid-aralan ayon sa probinsyang itinakda para sa kanilang seksyon. 



1  Komisyon ng Wikang Filipino
2  Kagawaran ng Edukasyon

No comments:

Post a Comment